Pag-iisyu muli ng voters ID, pinag-aaralan ng Comelec

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) na muling ituloy ang pag-iimprenta ng voter’s identification cards.

Nabatid na sinuspinde ng poll body ang voter’s ID printing noong 2012 dahil sa pagpapatupad ng national ID system.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – patuloy nilang tinatalakay ang isyung ito.


Ang voter’s ID card ay ini-isyu sa isang rehistradong botante kung saan nilalaman nito ang biometrics data gaya ng photograph, fingerprints at signature.

Facebook Comments