Pag-Iisyu Ng 700,000 Plaka Ng Sasakyan – Pinigil Ng Sc

MANILA – Pinigil ng Supreme Court ang pag-release ng land transportation office at Dept. of Tranportation ang Communication ng 300,000 vehicle plate numbers at 400,000 motorcycle plates na ipinasakamay ng Bureau of Customs.Sa inilabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng SC, sinabi nito na hindi pa dapat i-release ang nasabing mga plaka dahil sa hindi pa nareresolba ang kaso nito.Sa TRO na binasa ni Supreme Court Spokesman Theodore Te, hindi pa pinayagan ng Commission on Audit na i-donate ng BOC ang mga nakumpiskang plaka sa lto at dotc.Ayon naman sa LTO, 93% na mga na turn over na plaka ay naipamahagi na nila sa mga may- ari bago pa man nailabas ang utos ng korte suprema.Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang LTO sa Solicitor General para sumagot sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema hinggil sa mga plaka.Matatandaang nakumpiska ang nasabing mga plaka ng BOC sa isang distributor matapos na magkaroon nang problema sa mga babayaring buwis noong Abril nitong taon.

Facebook Comments