Manila, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng Commission on Elections (COMELEC) sa pag-iisyu ng rules and regulations sa pagpapatupad ng gun ban tuwing election period.
Batay sa desisyong isinulat ni Justice Alfredo Benjamin Caguioa, kinatigan ng SC ang COMELEC regulation kung saan sakop ng gun ban ang mga miyembro ng Private Security Service Providers (PSSP) at Private Security Agencies (PSA).
May karapatan din ang poll body na humingi ng written permit mula sa mga security agencies para payagan ang mga ito na magdala ng mga armas o sandata sa pampublikong lugar sa panahon ng eleksyon.
Facebook Comments