Pag-iisyu ng Comelec ng voter’s certification para sa local registered voters, ipinagpatuloy ngayong araw

44

Muling ipinagpatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw ang pag-iisyu ng voter’s certification para sa local registered voters.

Ayon sa Comelec, ang mga rehistradong botante sa alinmang lugar sa bansa ay maaaring mag-apply para sa voter’s certification mula Lunes hanggang Huwebes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon sa Comelec-National Central File Division satellite office sa FEMII Building sa Extension Cabildo St., kanto ng A. Soriano Avenue, Intramuros.


Pero paalala ng Comelec, by appointment ang pagkuha ng voter’s certification sa kanilang tanggapan.

Pinaalalahanan din ang mga kukuha na sumunod sa health protocols at tiyaking nakasuot ng face mask at face shield para makapasok sa gusali.

Maaari aniyang magpa-appointment sa pamamagitan ng Facebook page ng Comelec-NCDF.

Matapos ito ay makakatanggap ng appointment confirmation slip ang aplikante.



Ipinaalala naman ng Comelec na libre ang voter’s certification para sa mga senior citizen, Persons with Disability (PWDs), mga miyembro ng mga Indigenous Peoples (IPs) at Indigenous Cultural Communities (ICCs) at solo parents.


Facebook Comments