Pag-iisyu ng CPR sa imported meat products mula sa mga bansang apektado ng ASF, itinigil na

Itinigil na ng Food and Drug Administration o FDA ang pag-iisyu ng Certification of Product Registration o CPR sa mga pork processed product na galing sa mga bansang apektado ng African swine fever (ASF).

Ayon kay Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan, nakipag-koordinasyon na sila kay FDA Director General Undersecretary Enrique Domingo hinggil dito.

Batay sa abiso ng FDA, Hulyo o Agosto pa ng 2018 naglabas ng notice kaya dapat ay hindi na nakapasok sa Pilipinas ang mga pork processed product mula sa mga bansang apektado ng African swine fever.


Facebook Comments