Iginiit ng Malacañang na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ang pamahalaan ng mahusay na paghahatid ng public service sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ito ay matapos sertipikahan ng Pangulo bilang urgent ang panukalang batas na magbibigay sa kaniya ng awtoridad na pabilisin ang pagpoproseso ng mga permit at lisensya sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gusto ng Pangulo na mas responsive at efficient na pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao.
Mahalagang mabawasan din sa mga tanggapan ng gobyerno ang red tape at madaliin ang mga proseso para sa ease of doing business.
Sa ngayon, ang panukalang batas ay lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.
Facebook Comments