Pag-iisyu ng paper-printed driver’s license, ititigil na ng LTO

Ititigil na ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iisyu ng driver’s license ngayon.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, ito’y dahil pa rin sa iaakyat ng Office of the Solicitor General sa Court of Appeals ang injunction order na inisyu ng Quezon City court sa natitirang 3.3 million plastic cards na nabili sa unang bahagi ng taon.

Aniya, nakapag-secure na ang LTO ng humigit-kumulang apat na milyong plastic card na higit pa sa sapat upang maalis ang backlog sa driver’s license.


Dagdag pa ni Mendoza, nabura na ang backlog sa four-wheels vehicles.

Pagtitiyak ng ahensya na ginagawa na rin ang license plates ng humigit-kumulang isang milyon para tuluyan ng maayos ang problema sa backlog.

Facebook Comments