Manila, Philippines – Balak ni House Speaker Pantaleon Alvarez Na ilipat sa Kamara ang kapangyarihan na magbigay ng mga prangkisa sa mga negosyo.
Ayon kay Alvarez – target na amyendahan ang mga batas na sumasaklaw sa mga nangangailangan ng prangkisa para mag-operate.
Bukod sa mga casino ay damay din aniya ang mga minahan.
Binigyang diin pa ni Alvarez na dapat higpitan ang pag-iisyu ng prangkisa para matiyak ang kakayahan ng isang kumpanya na magnegosyo.
Kasabay nito, ipinapanukala na rin sa Kamara na atasan ang mga casino na magpatupad ng tatlong libong pisong entrance fee bilang paraan ng pagpigil sa pagsusugal.
Pinatitiyak din ng panukala na may sapat na kakayahan o may pera ang mga magka-casino.
Ilalaan ang mga malilikom para sa pagpapatayo ng youth welfare facilities sa bansa.
DZXL558