Pag-iisyu ng quarantine pass, ipinauubaya na ng Palasyo sa mga LGUs

Ipinasa na ng Malacañang sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang pag-iisyu ng quarantine pass.

Ito ay kasunod ng muling pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) magmula August 6-20, 2021.

Matatandaang noong nasa ilalim ang bansa sa ECQ at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay mayroong quarantine pass ang bawat isang miyembro ng pamilya.


Kailangan ang nasabing quarantine pass kapag bibili ng essential needs ng pamilya at tanging ang may pass lamang ang papayagang lumabas ng bahay maliban pa sa mga APOR o Authorized Persons Outside Residence upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 lalo na ang Delta variant.

Maging ang pagbabawal sa pagbebenta ng alak o liquor ban ay bahala na ang LGU na magdesisyon base na rin sa kani-kanilang mga ordinansa.

Facebook Comments