Nais nang alisin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mandato sa pag-iisyu ng visa para sa mga dayuhan, partikular na sa mga Chinese national.
Sa press briefing ngayong hapon, sinabi ni Remulla na may mga nakarating na ulat sa kaniya na nagkakaroon ng problema sa sistema ng pamahalaan sa pagpapapasok ng mga dayuhan.
Halimbawa aniya rito ang mga nabibigyan ng visa kahit na hindi naman nararapat at nasusuring maigi ang mga dokumento.
Nagagamit na rin aniya ito ng mga abogado at recruitment agencies para makapagpasok ng mga dayuhan, sa panamagitan ng mga pekeng kompanya na nag-iisyu ng pekeng visa.
Dahil dito, irerekomenda ni Remulla kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mapag-aralan ang visa issuing system at alisin na ito sa DFA.
Mula sa DFA, irerekomenda ng kalihim ang paggamit ng VFS o Visa Fascilation Service Global na isang third party para masala ang mga Chinese national na nais pumasok sa bansa.