Pansamantalang sinuspende ng pamahalaan ang pag-iisyu ng Visa sa mga banyagang papasok sa Pilipinas kasunod ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., haharangin at hindi papapasukin sa bansa ang lahat ng dayuhan.
Giit ni Locsin, walang magiging exemptions sa kautusan.
Aniya, bibigyan naman ng tulong ng gobyerno ang mga dayuhang magnanais ng lumabas ng Pilipinas.
Mababatid mahigit 100 mga bansa ang pinapayagang makapasok ng Pilipinas ng walang visa sa loob ng 30 araw o mas mababa rito.
Nauna nang sinuspendi ng gobyerno ang Visa Upon Arrival (VUA) sa mga Chinese National dahil sa COVID-19.
Facebook Comments