Nais ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ipatigil ang pag-iisyu ng visa upon arrival sa bansa.
Ito ay sa gitna ng dumaraming Chinese nationals sa Pilipinas.
Ayon kay Locsin – ang mga dayuhang bumibisita sa bansa ay kailangang sumailalim sa vetting process sa mga consular offices bago nila makuha ang kanilang visa.
Kailangan aniyang maging maingat sa mag-a-outsource sa visa application process.
Ito ang tugon ng DFA matapos ikaalarma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang pagdami ng mga Chinese sa Pilipinas, kung saan karamihan sa mga ito ay undocumented at hindi pa registered worker.
Facebook Comments