Pag-iiwan ng bata sa mga sasakyan,bawal na

Manila, Philippines – Pinamamadali nang maipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagbabawal na iwanan ang mga bata sa loob ng umaandar na sasakyan.

Sa House Bill 6570, layunin nito na maiwasan ang aksidente matapos na rin maitala na may mga bata ang nasasawi dahil naiiwanan ng kanilang mga magulang o kasama sa loob ng sasakyan.

Pinakahuling insidente ay sa 8 anyos na bata na si Janna Jacobe na 12 oras na hinanap ng kanyang mga magulang at natagpuang wala nang buhay nang hindi ito napansin na natutulog pala sa likurang bahagi ng sasakyan noong Enero.


Sa ilalim ng panukala, ang mga bata na maiiwan sa sasakyan ay dapat may bantay na 18 anyos pataas.

Ang mga lalabag sa oras na maging batas ito ay papatawan ng multa na P5,000 sa unang beses, P50,000 sa ikalawa at pagkumpiska ng driver’s license sa ikatlong paglabag.

Nakapaloob din sa panukala na ang Land Transportation Office ang magsasagawa ng awareness campaign at ang Council for the Welfare of Children ang inatasan na bumuo ng Implementing Rules and Regulation.

Facebook Comments