Malugod na tinanggap ng mga senador ang desisyon ng Office of the Ombudsman na imbestigahan ang Department of Health.
Ito ay kaugnay sa mga umano’y anomalya sa pagbili ng mga medical equipment at ang mabagal na pagkilos ng ahensiya sa paglaban sa Coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Senador Bong Go, trabaho ito ng Ombudsman kaya’t marapat lamang na magkaroon ng patas na imbestigasyon ukol rito.
Kaugnay nito, ayon kay Senador Sonny Angara, nakasaad sa konstitusyon na mayroong karapatan ang Office of the Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon kahit walang inihahaing reklamo.
Matatandaang isa si Angara sa 14 na senador na pumirma sa senate resolution na nananawagang magbitiw sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III bilang kalihim ng DOH.
Bukod dito, iginiit din ni Go na dapat ipagpatuloy ng DOH ang kanilang trabaho habang iniimbestigahan at wala rin umanong dapat ikatakot kung wala naman ang mga ito na itinatago.