Manila, Philippines – Welcome News, ito ang katagang binitiwan ni NPC President Paul Gutierrez sa paanyaya ng gobyerno ng China sa Philippine Media na bumisita sa bansa China upang obserbahan ang kanilang pamamahala.
Ayon kay Gutierrez malaking tulong umano ang imbitasyon ng gobyerno ng Tsina upang mapalalim pa umano ang unawaan ng Pilipinas at China sa pamamagitan ng Philippine Media.
Paliwanag ni Gutierrez oportunidad din umano ito upang mapalakas ang samahan ng Media sa Pilipinas , sa China at iba pang mga bansa.
Katunayan anya mayroon regular na inbitasyon ang NPC sa China sa pamamagitan ng DFA para sa China ASEAN dialogue kung saan taunang ginagawa umano ito ng NPC na ipinapadala ang mga miyembro sa China.
Facebook Comments