Pag-imbita sa China na maging bahagi ng marine protection efforts sa WPS, pinalagan

Kinukwestyon ng Magnificent 7 sa Kamara ang plano ng gobyerno na imbitahan ang China na maging bahagi ng marine protection efforts sa West Philippine Sea (WPS).

Nagtataka ang Magnificent 7 kung bakit ang China ang gusto ng administrasyon na tumulong sa WPS gayong ang mga ito ang sumisira sa yamang-dagat ng bansa at umaagaw sa ating teritoryo.

Mistulang humingi anila ng suporta sa magnanakaw ang Pilipinas dahil ang China ang numero unong banta sa seguridad kaya hindi dapat sa kanila i-asa ang pagprotekta sa karagatan at likas-yaman.


Magiging bantay-salakay rin umano ang China lalo at mabibigyan ito ng kalayaang magsagawa ng ilegal na aktibidad gaya ng research sa marine resources nang walang pahintulot sa gobyerno.

Dahil dito, nanawagan ang mga kongresista sa pamahalaan na bumuo ng maritime strategy na tututok sa deployment ng security forces, maritime agencies at research institutions para bantayan ang resources sa West Philippine Sea.

Facebook Comments