MANILA – Posibleng mas maagang matapos ang pag-iimprenta ng mga balota sa National Printing Office (NPO).Ito ang sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez, kasunod na rin ng magandang takbo ng printing, kung saan nalalagpasan na aniya ang 800,000 ballot sheet na target kada araw.Sa data ng NPO, mahigit isang milyon ang natatapos nila sa printing kada araw kaya maaaring sa unang linggo ng Abril ay matapos na ang kanilang trabaho.Sa ngayon aniya ay nasa 10.7 million na ang nailimbag na balota habang wala nang bagong aberyang naitala.Kaugnay nito – sisimulan na ng COMELEC ang pagde-deliver ng official ballot sa huling linggo ng Marso para sa malalayong lugar, partikular na ang mga gagamitin ng Overseas Absentee Voters.Gagawin ang Absentee Voting sa Abril 9, 2016 o isang buwan bago ang mismong general elections sa ating bansa.
Pag-Imprenta Naman Ng Mga Balota– Inaasahang Mas Mapapaaga
Facebook Comments