Pag-imprenta ng balota ng COMELEC, tuloy pa rin hanggat hindi naisasabatas ang pagpapaliban ng SK at Barangay election

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng COMELEC na hindi sila kakapusin ng oras dahil nakahanda na sila sakaling matuloy ang halalan ngayon taon.

Ayon kay Atty. Gineveve Guevarra, bukas ay muling itutuloy nila ang pag-iimprenta ng mga balota hanggat walang abiso sa kanila at hindi naisabatas ang pagpapaliban ng SK at Barangay election.

Paliwanag pa ni Atty. Guevarra, inaantay na lamang nila kung ano ang magiging desisyon ng Kongreso dahil naipasa na ito sa Committee level.


Aniya nakapagpa-imprenta na sila ng mga balota na umaabot sa 15,021 ballots kung saan inaasahan na matatapos bago ang nakatakdang halalan.

Matatandaan na una nang inamin ng COMELEC na malulugi ang gobyerno ng 230 milyong piso o katumbas ng 77 milyong balota sakaling hindi matuloy ang election ngayon taon.

Facebook Comments