Pag-imprenta ng balota para sa plebesito ng Baliwag, Bulacan, nakumpleto na ng COMELEC

Inanunsyo ng Commission on Elections o Comelec na nakumpleto na ang printing ng mga balota at iba pang forms na gagamitin para sa plebesito sa Baliwag, Bulacan sa Dec. 17.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, nakapag-limbag ng halos 110,000 na “official ballots,” ang COMELEC ngayong araw.

Gayunpaman, sasalang pa rin ito sa beripikasyon at pagsusuri para matiyak ang kalidad ng mga balota at masiguradong tama ang bilang.


Nauna nang inihayag ng COMELEC na ang plebesito sa Baliwag, Bulacan ay para malaman ang pasya ng mga residente kung payag sila na gawing “component city” ito, mula sa pagiging munisipalidad.

Idaraos ang plebesito sa Dec. 17 sa 27 barangay ng Baliwag.

Facebook Comments