
Pansamantalang ititigil ng National Printing Office o NPO ang printing ng official ballots para sa October 13 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM elections.
Kahapon nang mag-imprenta na ang NPO ng mga balotang gagamitin para sa final testing and sealing.
Pero ayon sa Commission on Elections (Comelec), ihihinto muna ang ballot printing matapos aprubahan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa final reading ang Parliament Bill No. 351.
Ang naturang batas ay para matugunan ang pitong nabakanteng pwesto sa parliyamento na nakalaan sa Sulu.
Dahil dito, maaapektuhan ang mukha ng balota dahil posibleng magbago ang mga mukha ng kandidato na nasa iiimprentang balota.
Una nang ipinaliwanag ni Commission on Elections o Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na base sa BARMM law, kailangang ilagay ang mukha ng mga kandidato sa halalan sa iiimprentang balota.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng Comelec na kaya nilang maimprenta ang mahigit dalawang milyong balotang gagamitin sa halalan sa BARMM.









