Pag-imprenta ng mga balota, nasa full capacity na

54

Kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez na nasa full capacity na ang pag-imprenta ngayon ng mga balota.

Ayon kay Jimenez, pumapalo na sa average na 1.1 million na mga balota kada-araw ang iniimprenta ngayon sa National Printing Office.

Kabuuang 63,662,481 na mga balota ang target ng Comelec para sa halalan sa Mayo 13, 2019.

Sa April 25 matatapos ang pag-imprenta ng mga balota.

Sinimulan ang ballot printing noong February 9, 2019.

Una nang natapos ang pag-imprenta ng mga balota para sa Mindanao at para sa absentee voting.

Facebook Comments