Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na target nilang matapos ang pag-imprenta ng mga balota para Barangay at SK Elections sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nasa 91 milyun na balota ang target nilang iimprenta kung saan sa kasalukuyan ay nasa kalahati na ang natatapos.
Bukod dito, isasailalim rin agad sa verification ang mga balota para maabot ang target na petsa.
Sinabi pa ni Garcia na kumpleto na rin ang procurement process ng mga election paraphernalia.
Kaugnay nito, sinabi ni Garcia na wala pa silang plano na palawigin pa ang registration na isinasagawa para sa Barangay at SK Elections
Sa kasalukuyan, nasa higit 1,028,000 ang bilang ng mga bagong botante kung saan umaasa ang COMELEC na maabot ang 1.5 o hanggang 2 million voters bago matapos ang registration period ng hanggang Jan. 31, 2023.