Pag-imprenta ng mga balota para sa midterm elections, sisimulan na

Manila, Philippines – Sisimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng higit 60 balota sa Enero ng susunod na taon.

Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na 2019 Midterm elections sa Mayo.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – bagamat naantala ang paglalabas ng opisyal na listahan ng mga kandidato sa halalan, hindi nito maapektuhan ang nakatakdang pag-imprenta ng mga balota.


Paliwanag ni Jimenez – kaya na-delay ang official list ng candidates ay dahil hindi pa sila tapos sa screening process.

Sa ikatlong linggo ng Enero ay mauumpisahan na ang ballot printing.

Facebook Comments