Pag-imprenta ng mga kakailangan para sa Ormoc Plebiscite, sisimulan na ng COMELEC

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na agad silang mag-iimprenta ng mga papeles para sa plebisito sa Ormoc sa oras na maplantsa na ang kinakailangan mga proseso para dito.

Ayon kay Comelec Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, kabilang sa mga nakatakdang iimprenta ay ang mga official ballot at iba pang mga form na gagamitin sa Ormoc Plebiscte na gaganapin sa October 8, 2022.

Aniya, agad nila itong sisimulan sa oras na matapos na ang layout ng mga balota at mapirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng COMELEC at ng National Printing Office (NPO).


Pinayuhan ng COMELEC ang mga stakeholder ng nasabing mga aktibidad na maghintay para sa karagdagang mga detalye.

Matatandaan na nitong nakalipas na araw ay naging matagumpay ang ginawang plebisito sa Maguindanao kung saan niratipikahan ang pagkakaroon ng Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte.

Kaugnay nito, umaasa ang COMELEC na magiging maganda at maayos din ang resulta sa gagawing plebisito sa Ormoc sa susunod na buwan.

Facebook Comments