Pag-imprenta sa higit 60 milyong balotang gagamitin sa eleksyon, tapos na

Nakumpleto na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta sa higit 61.8 million na balotang gagamitin sa May 13 midterm elections.

Pero ayon kay Comelec-Project Management Office Deputy Project Director Teopisto Elnas Jr. – higit isang milyong balota ang gagamitin para sa final testing and sealing process, habang ang natitira ay bilang demonstration ballot na nakalaan para sa Vote Counting Machine (VCM) roadshow at demonstration purposes.

Pero sinabi ni Elnas na nagsimula na silang magpadala ng balota sa iba’t-ibang regional at provincial hubs sa bansa kung saan itatago sa city o municipal treasurer’s office.


Prayoridad ang pagpapadala ng balota sa mga pinakamalayong lugar gaya ng Batanes, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Samantala, mababawasan naman ang bilang ng VCM na gagamitin ngayong eleksyon kumpara noong 2016.

Facebook Comments