Pag-imprinta ng 92 milyong national ID, target tapusin sa June 2023

Sa plenary deliberations ng Kamara sa proposed 2023 national budget ay inihayag ng National Economic Development Authority o NEDA ang target na tapusin sa June 2023 ang pag-imprinta ng 92 milyong national ID.

Para makamit ito ay magdadagdag ng mga printer ang NEDA.

Sinabi ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, na siyang nagdidepensa sa budget ng NEDA, nasa 71.7 milyong Pilipino na ang nakatapos sa step 2 ng proseso sa pagkuha ng national ID.


Bahagi ng step 2 ang validation ng mga supporting documents at pagkuha ng biometric information gaya ng iris scans at fingerprints.

Ayon sa NEDA, nasa mahigit 20 million na Pilipino ang nakakuha na ng kanilang national ID.

Aabot naman sa 30 million pa ang target mabigyan ng national ID hanggang sa katapusan ng taon at ang nalalabing 62 million ay hanggang sa Hunyo ng 2023.

₱13.27 billion ang inilaang pondo para sa NEDA sa susunod na taon habang ₱2.05 bilyon naman ang gagastusin sa pagpapatupad ng Philippine Identification System o PhilSys Act.

Facebook Comments