Siguradong matatapos ngayong Linggo o July 23 ang pag-imprinta sa lahat ng materials na gagamitin para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Lunes.
Ayon kay House of Representatives Printing and Reproduction Service Director Edwin Avenido, sa ngayon ay 100-porsyento nang tapos ang lahat ng materyales na kailangang maipamahagi bago ang SONA.
Kabilang dito ang invitations, IDs, car pass at SONA programs bukod sa iba pang dagdag na printing requests mula sa House members at House secretariat.
Sabi ni Avenido, kung kakailanganin ay mag-o-overtime sila para matiyak na matatapos ngayong weekend ang lahat ng kopya ng 19th Congress Legislative Performance Report.
Ginarantiyahan pa ni Director Avenido, handa ang Printing and Reproduction Service supplies and equipment at technicians sakaling kailanganin ang dagdag na printing services para sa SONA.