Pag-inhibit ni Justice Carpio sa kaso na may kaugnayan sa WPS, tinanggap ng Supreme Court en banc

Manila, Philippines – Nagbitiw sa pagdinig ng Korte Suprema may kinalaman sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) si Senior Associate Justice Carpio.

Bunga nito, hindi na lalahok si Carpio sa oral argument ng Supreme Court (SC) ngayong hapon.

Tinanggap naman ng Supreme Court en banc ang pag-inhibit ni Carpio.


Una rito, hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na ipa-inhibit si Carpio sa pagdinig ng kaso ng West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay ito ng writ of kalikasan ng grupo ng Kalayaan Palawan Farmers and Fisherfolk Association na inihain sa Korte Suprema.

Pinagbasehan ng OSG sa pagpapa-inhibit kay Carpio ang pagkiling daw nito sa South China Sea arbitral proceedings.

Facebook Comments