Mahigpit na ipatutupad sa bayan ng Bayambang ang bawal na pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.
Simula kahapon, epektibo na ang naturang ordinansa na siyang nakabase sa Article 155 of the Philippine Revised Penal Code: “Alarms and Scandals.”
Mahigpit na ipinagbabawal ito lalo sa mga menor de edad.
Ang sinuman lalabag ay haharap sa karampatang multa na hindi lalampas sa 40,000 pesos.
Samantala, kaakibat din nito ang inilunsad rin na Task Force Disiplina sa bayan upang mapanatili ang disiplina, kalinisan, at kaayusan ng mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









