PAG-INSPEKSYON SA MGA ESTABLISYIMENTO SA MANAOAG NA UMANO’Y MAY NAGAGANAP NA PROSTITUSYON, IPINAG-UTOS NG ALKALDE

Agaran ang pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Manaoag sa dumaraming bilang ng mga nagbubukas na bars sa nasabing bayan.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Dagupan kay re-elected Mayor Jeremy Rosario, hindi lamang ito ukol sa pagdami ng mga bars kung hindi pagtugon na rin sa mga kababaihan nasasangkot sa prostitusyon.
Alinsunod din ang naturang Executive Order sa layuning mapanatili ang kabanalan bilang pilgrimage town ang Manaoag, kung saan matatagpuan ang Minor Basilica of Our Lady of Manaoag.
Aniya, para sa mga maaapektuhang negosyo, hinikayat nito ang pagtatayo na lang ng mga restaurants lalo na at tiyak ang pagdagsa ng mga turista at bisita.
Kinatigan ito ni Municipal Health Officer Doc. Nicola Bethune – Malko at binigyang-diin ang kahalagahan ng naturang kautusan upang matugunan ang lumalang isyu ukol sa Human Immunodeficiency Virus o HIV.
Kaisa rin ang Manaoag Municipal Police Station sa pagpapatupad ng kautusan kung saan ayon kay Chief of Police PMaj. Peter Paul Sison, magsasagawa ng inspeksyon sa mga bars.
Samantala, pinuri ng simbahan, kaparian at ilang mga Christian Organizations ang ipatutupad na utos ng alkalde. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments