Patuloy na ipinatutupad ng mga awtoridad ang masusing inspeksyon sa mga itinalagang firecracker zone sa buong lalawigan ng Pangasinan bilang bahagi ng paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng holiday season at tiyakin ang tamang pagsunod sa mga regulasyon para sa pagbebenta at paggamit ng paputok.
Batay sa ulat, mahigit tatlong daang tindera sa Pangasinan ang nabigyan ng permit para sa legal na pagbebenta ng paputok ngayong taon. Binigyang-diin ng ahensya ang kahalagahan ng pagsunod sa mga itinakdang requirements upang maiwasan ang pagkakansela ng kanilang permit.
Bukod sa kapulisan, nakaantabay rin ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maging katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan.
Hinikayat ng mga awtoridad ang publiko na tangkilikin lamang ang mga lehitimong tindahan ng paputok at huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na uri upang maiwasan ang mga aksidente.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨