Muling nagbabala si mayor Joseph Tan sa mga residente ng Santiago City kaugnay sa paggamit ng mga pesticides at insecticides na inilalagay sa mga itinitindang gulay sa palengke.
Ito ay kaugnay sa kanilang programang organikong pagtatanim at pagsulong sa programang pang kalusugan.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Joseph Tan ay naglunsad na sila ng pag iinspeksyon sa mga panindang gulay sa palengke.
Layunin nito na malaman kung gaano kadami ang mga inilalagay na kemikal sa mga pananim na gulay.
Aniya, ito din ay bahagi ng preventive actions at isa sa paraan upang maiwasang makakuha ng mga sakit sa mga kinakain.
Sa ngayon ay minomonitor naman ng city agriculture ang mga gulay associations sa lungsod upang matiyak na nasa tama lamang ang mga ginagamit na pestesidyo sa kanilang mga pananim.
Panawagan naman ng alkalde na mainam na magtanim nalang ng gulay sa tahanan upang makatiyak na ito ay ligtas sa mga kemikal.