Pag-inspeksyon sa pampublikong sasakyan, hinigpitan ng LTFRB

Manila, Philippines – Hihigpitan na ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa mga pampublikong sasakyan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ayon kay LTFRB Board member at Spokesperson Atty. Aileen Lizda, ngayong umaga pagkatapos ng flag raising ceremony katuwang ang HPG at NCR inspectors ay tatalakayin nila ang mga usapin ng mga kolurom na pampublikong sasakyan sa Baguio City.

Magsasagawa ng presscon mamaya kung saan pag-uusapan ang aksidente sa Caranglan, Nueva City na mahigit 30 katao ang nasawi.


Tatalakayin din ang usapin tungkol sa Baguio Joint Anti- Colorum kasama ang HPG kung saan ay mga opisyal ng officials ng DepEd at guro ang karamihan ang nakasakay sa kolurom na sasakyan at panghuli na pag-uusapan ay ang labing limang taon na phase out policy para sa bus at mini bus kung kinakailangan bang ameyendahan ang kasalukuyang polisiya na nakasaad na ang labing limang taon simula nang mailabas sa merkado ay hindi na pahintulutang irehistro ang mga pampublikong sasakyan.

Umaasa ang opisyal na matutugunan ng LTFRB ang lahat ng mga reklamo ng publiko.

Facebook Comments