Inumpisahan na ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang pag-install ng mga Solar Powered Lights bilang bahagi ng makakalikasang adhikain ng nasabing bayan.
Makatutulong ang nasabing Solar Lights sa kalikasan dahil ito ay renewable energy na hindi kinakailangang magbayad ng electric bill upang masustentuhan ang pinagmumulan ng enerhiya dahil ito ay narerecharge sa araw at ito ay isang nature-based na solution na may layong maibsan ang ilang mga problema higit sa usapin ng mga Climate Challenges.
Isa rin ito paraan upang mapanatili ani ng alkalde ang kapayapaan at kaligtasan sa nasasakupan nito sa pamamagitan ng pagpapanatili ng ilaw nito sa gabi.
Samantala, inumpisahan na ang pagkabit nito sa kahabaan ng Brgy. San Roque na susundan naman ng iba pang mga barangay sa Bayan ng San Nicolas. |ifmnews
Facebook Comments