Pag-interview ni Mocha Uson kay Palparan, inupakan ng grupong Karapatan

Manila, Philippines – Gustong paimbestigahan ng human rights group na Karapatan ang ginawang panayam ni dating Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa nakakulong na si retired Major General Jovito Palparan.

Ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan, paglabag sa batas ang kapanayamin ang isang nasa piitan dahil kailangan pa ito ng approval ng korte.

Tinawag din ni Palabay na malaking insulto ito sa mga naging biktima ni Palparan.


Partikular na aniya nang ipanawagan umano ni dating Assistant Secretary Mocha Uson ang pagpapalaya kay Palparan.

Si Palparan ay hinatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo dahil sa kidnapping at serious illegal detention mga aktibistang sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno.

Facebook Comments