Manila, Philippines – Hinihikayat ng pamahalaan ang publiko na mag-invest ng naipong pera sa mga government savings program tulad sa Pag-Ibig Fund.
Ayon kay Acmad Rizaldy Moti, OIC-Pag-Ibig Fund, maaaring taasan ang kontribusyon ng kanilang miyembro sa halip na P100.00 lang.
Aniya, depende sa kung magkano ang nais na idadagdag sa kontribusyon, kikita ito sa pamamagitan ng dibidendo kaya lalago ang savings.
Maaari itong makuha aniya nang buo matapos ang dalawampung taon o kapag nagretiro na sa trabaho.
Maliban rito, may isa pang savings program ang pag-ibig fund na modified Pag-Ibig two o MP2, na P500 ang minimum deposit at walang ring maximum.
Aabot aniya sa five-years ang maturity nito na pwedeng i-renew ng panibagong limang taon, at bahagyang mas mataas umano ang dividend rate nito.
Pagtitiyak pa ni Moti, ang kagandahan nito sa mga government savings program na ito ay ang garantiya ng pamahalaan na makukuha ang inilagak na savings at tax free pa.
Samantala, mayroon namang personal equity and savings o peso fund ang SSS, na ang minimum contribution ay P1,000 at P100,000 ang maximum sa loob ng isang taon.
Para sa mga Overseas Filipino Workers, mayroong flexi fund ang SSS.
Nation