Pag-ipit ng DBM sa P160 billion na bahagi ng pambansang budget, kinuwestyon ng mga senador

Kinuwestyon ng mga senador ang hindi agad pagpapalabas sa P160 billion na pondo para sa infrastructure at social amelioration programs na nilagyan ng Department of Budget and Management (DBM) ng tag o marka na “for later relase” o FLR.

May hinala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na may kinalaman sa 2022 elections ang pag-ipit ng DBM sa nabanggit na salapi dahil mairerelease lamang ito kapag may pahintulot ng Pangulo, Budget Secretary, o sinumang opisyal na binigyan ng otoridad ng Pangulo.

“With the 2022 election less than 10 months away, politics is a consideration in the non-release of the P160 Billion ‘FLR’ budget items,” anang mambabatas.


Hindi katanggap tanggap para kay Drilon na mas nauna pang i-release ang P16.5-billion na anti-insurgency funds kumpara sa nasabing pondo na higit na kailangan ng mamamayang apektado ng pandemya at malaking tulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya.

“This is lamentable because these funds are needed by our people who needs assistance due to the pandemic,” ani Drilon.

“Why are P160B in infrastructure and social amelioration programs marked “FLR” and not released, and yet P16.5 B anti-insurgency funds were immediately released in the first quarter?” sabi pa ni Drilon.

Dismayado naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dahil dito ay nasayang ang oportunidad na makalikha ng mas maraming trabaho at mapaunlad ang ating ekonomiya.

“It’s a wasted opportunity to help create jobs and grow the economy. There seems to be no sense of urgency,” ani Recto.

Diin naman ni Senator Sonny Angara, kailangang kailangan talaga ngayon na magamit ang nabanggit na pondo para mga programang makakatulong sa ekonomiya at makakatulong din sa taumbayan.

“Dito sa usapin ng budget sana magtulungan. At tayo ginagawa natin ang lahat para matulungan po ang ehekutibo, especially sa pag pasa ng Bayanihan 2, pag pasa ng Vaccination Act of 2021,” ani Angara.

Ipinaalala pa ni Angara na kaya isinabatas ang Bayanihan 1 at Bayanihan 2 ay para maibangon ang ating ekonomiya,

Hiling ni Angara, sana ay magtulungan ang lahat pagdating budget dahil ginagawa naman nilang mga mambabatas ang lahat para matulungan ang ehekutibo.

“Bakit yung iba, namimili ba kung anong i-release dito or hindi. So sana especially now, kelangan talaga yan lahat ng mga programang yan ay may tinatawag na stimulus effect,” dagdag ng mambabatas.

Facebook Comments