Pag-iral ng Alert Level 0, pinag-aaralan na ng pamahalaan

Pinag-aaralan na ng technical advisory group at expert panel ng pamahalaan ang mga guidelines na posibleng umiral sa ilalim ng Alert Level Zero.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ito ay sa gitna ng patuloy na bumababang COVID-19 cases sa Pilipinas, kasunod ng pananatili sa Alert Level 1 ng 39 na lugar sa bansa.

Ayon sa kalihim pag-uusapan pa ang mga elemento na lalamanin ng pinakamababang alert level.


Halimbawa na aniya nito ay kung pwede na bang magtanggal ng face mask kapag nag-Alert Level Zero na o pwede na bang hindi sumunod sa hand hygiene.

Ani Duque, marami pang mga bagay ang kailangang ikonsidera bago mag-desisyon kung magpapatupad ng Alert Level Zero.

Sa ngayon, kuntento naman ang kalihim sa pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) at iba pang bahagi ng bansa.

Aniya kahit pa nasa 100% capacity na ang mga establisyimento, transportasyon ay patuloy pa rin ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Facebook Comments