Pag-iral ng Philippine Death Squad, ibinunyag ni Senator Trillanes; Mga miyembro, aktibong kasapi ng PNP

Manila, Philippines – Ibinunyag ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV ang pag-iral ng Philippine Death Squad na sinimulang buuin pagkapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa election noong May 2016.

Sabi ni Trillanes, ang mga kasapi ng squad ay mga aktibong opisyal at kasapi ngayon ng Philippine National Police at may natatanggap silang reward sa kada-indibidwal na kanilang papatayin.

Aabot ing milyones ang reward kapag mayor ang biktima.


Pinapangunahan aniya ito ng class 96 ng Philippine National Police Academy.

Ayon kay Trillanes, ang nabanggit na grupo ang nagsasagawa ng extra judicial killings o EJK sa buong bansa at miyembro din nila ang nga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa na pinangugnunahan ni Supt. Marvin Marcos.

Ang point person aniya ng grupo ay isang Supt. Leonardo na kaibigan ni Presidential Son at Davao City Vice Mayor Davao Paolo Duterte.

Si Leonardo din ang dumidirekta kay Pangulong Duterte kaugnay sa kanilang mga aktibidad.

Sabi ni Trillanes, alam ito ni PNP Chief Gen. Bato Dela Rosa pero wala naman itong magawa dahil si Pangulong Duterte ang puno ng Philippine Death Squad.

“Base sa nakalap namin na info. ay mayroong isang klase sa PNPA na pasimuno nitong aktibidad na ito.
Mayroon silang graduation kung magkano yung bounty/reward, kapag mayor level, Malaki-laki, milyones ang reward then kung barangay captain down the line, yan yung kanilang operations.
Active members ng PNP sila at nakadiretso sila kay President.
Na-identify namin ang point person ay si Supt. Leonardo na dumidirekta kay Presidente at close siya kay Paolo Duterte.- pahayag ni Senator Trillanes.”

Facebook Comments