Manila, Philippines – Pinuna nina Senators Nancy Binay at Senator Grace Poe
Ang naging paraan ng palasyo ng pag-aanunsyo ng kanselasyon ng klase sa
Metro Manila dahil sa transport strike.
Ang tinutukoy ng dalawang senadora ay ang mensahe ng palasyo noong
nakaraang araw na nagsasabing kinakansela ang klase para proteksyunan ang
kaligtasan ng mga estudyante laban sa imminent threat o matinding banta ng
ilang grupo.
Paliwanag ni Senator Binay, para sa katulad nyang ina ay nagdulot ng
pagkabahala at pangamba ang mga salitang ginamit ng palasyo.
Katwiran naman ni Senator Poe, nagulat ang mga katulad niyang ina sa
biglaang pagkansela ng klase sa oras na alanganin.
Ayon kay Senator Poe, dapat sana ay ginawa ng mas maaga ang anunsyo para
hindi na nakapasok pa sa mga paaralan ang mga estudyante.
Ipinunto ni Senator Poe na mas delikado sa mga mag-aaral kung bigla silang
papauwiin habang ang mga magulang nila ay nasa trabaho na at matataranta
kung paano pa sila susunduin habang yung ibang mga bata ay magsasariling
deskarte na lang kung paano uuwi.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>