Pag-isyu ng travel authority sa mga LSI patungo sa Negros Occidental, sinuspinde ng PNP

Pansamantala munang sinuspinde ng Philippine National Police (PNP) ang pag-iisyu ng travel authority sa mga Locally Stranded Individual (LSI) at mga residenteng babiyahe sa Negros Occidental.

Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Ysmael Yu, ginawa ng PNP ang hakbang na ito matapos ang inaprubahang Joint Resolution No.43 ng Western Visayas Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) on COVID-19.

Ang suspensyon ay nagsimula nito pang October 3 at magtatagal hanggang October 9, 2020.


Inalerto na rin ng PNP Directorate for Operations ang lahat ng Police Regional Offices, Aviation Security Group at Maritime Group para ipatupad ang suspensyon ng biyahe sa Negros Occidental.

Facebook Comments