
Mariing binatikos ni Kamanggagawa Partylist Representative Eli San Fernando ang pag-itsapwera sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga ahensyang bahagi ng binuong Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Committee.
Ang pagbuo sa UPLIFT Committee ay kaakibat ng pagdeklara ni Pangulong Bongbong Marcos ng State of National Energy Emergency.
Dismayado si San Fernando na nakalimutan ng gobyerno na manggagawa ang pinaka-bulnerable sa pandaigdigang krisis ngayon kaya dapat ay kasama sila sa iprayoridad.
Punto ni San Fernando, paano magkakaroon ng ‘whole-of-government’ response framework kung wala man lang ang DOLE sa UPLIFT Committee.
Giit pa ni San Fernando, hindi pwedeng puro ayuda lang ang sagot sa krisis dahil paano naman yung mga manggagawa na walang natatanggap na ayuda pero sadsad na rin ang budget dahil sa taas ng bilihin.










