Pag-iwas sa paggamit ng plastic ngayong kapaskuhan, apela ng isang Senador

Nanawagan si Senator Leila de Lima sa lahat na kung maari ay iwasan na ang paggamit ng plastic sa kaliwat kanang selebrasyon ngayong kapaskuhan.

Diin ni delima, sigurado na ang mga gagamiting plastik ay hahantong  lan sa ating karagatan at dadagdag sa tone tonelada nating basura.

Magugnitang bukod kay Delima ay nauna ring nagpahayag ng suporta sa nationwide ban sa pag-gamit ng plastic sina Senators Cynthia Villar at kiko pangilinan.


Tinukoy ni Villar ang 2015 report ng international group na Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment, na nagsasabing pangatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking source ng plastic sa mga karagatan, kasunod ng China at Indonesia.

Binanggit din ni Villar ang babala ng United Nations Food and Agriculture Organization na kapag hindi natugunan ang suliranin sa plastic pollution sa 2050, ay higit na magiging marami ang mga plastic sa karagatan kesa sa isda.

Giit naman ni Senator Pangilinan, mahalagang maipasa agad ang panukalang Single-Use Plastics Regulation and Management Bill para sa kapakanan ng kalikasan at kinabukasan ng mga kabataan.

Facebook Comments