Binigyang-diin sa isang workshop sa Urdaneta City ang kahalagahan ng pag-iwas sa paggamit ng vape at iba pang uri ng paninigarilyo, lalo na sa kabataan.
Inilunsad ng City Health Office ang aktibidad bilang bahagi ng kampanya kontra non-communicable diseases at hakbang upang mapalakas ang kaalaman ng mga kabataan sa panganib ng vaping.
Tinalakay dito ang ordinansa ng lungsod sa paninigarilyo, mga epektibong paraan ng smoking prevention, at pangunahing impormasyon sa kalusugan kaugnay ng masamang epekto ng vape.
Kasama sa aktibidad ang pagbuo ng youth group na magpapalakas sa kampanya sa kanilang sektor.
Nahalal ang mga bagong opisyal na inaasahang mangunguna sa mga inisyatiba para isulong ang smoke-free lifestyle sa mga kabataan.
Naganap ang panunumpa ng mga bagong opisyal kahapon, Nobyembre 24, sa City Hall, bilang pormal na pagkilala sa kanilang tungkulin sa pagpapalaganap ng adbokasiya laban sa vaping. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









