Pag-iwas sa Sakit na HIV at Maagang Pagbubuntis, Ini-arangkada ng CIGA!

Cauayan City, Isabela- Puspusan ang isinasagawang kampanya ng City of Ilagan Gay Association o CIGA kontra sa sakit na Human Immuno Virus o HIV Aids, Lesbian Gay Bisexual Transgender o LGBT Rights at Early Pregnancy sa mga kababaihang kabataan bilang bahagi sa adbokasiya ng CIGA.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Peterson Patriarca, ang pinuno ng City of Ilagan Gay Association o CIGA kung saan layunin ng kanilang samahan na mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral hinggil sa sakit na HIV at mabigyan din ang mga ito ng kaalaman upang makaiwas sa maagang pagbubuntis.

Aniya, ang naturang programa katuwang ang DepEd at DSWD ay bahagi ng kanilang programa na dapat mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan upang makaiwas sa mga ganitong uri ng sakit.


Samantala, wala pa umanong naitala sa lungsod ng Ilagan na positibo sa sakit na HIV dahil patuloy naman umano ang National Health Unit sa pangangalap ng impormasyon kung mayroong naitala na positibo sa naturang sakit.

Facebook Comments