PAG-IWAS SA SAKIT NALEPTOSPIROSIS, PINAIIGTING SA DAGUPAN CITY

Nag-iikot ikot ang mga nurses at Barangay Health Workers sa lungsod ng Dagupan para mamahagi ng gamot na Doxycycline sa mga residente.

 

Ito ay upang makatulong na maiwasan na mabiktima ng sakit na leptospirosis ang mga residente kapag sila lumusong sa tubig baha.

 

Ilan sa pinamahagian ng Doxycycline na gamot ay mga tricycle drivers sa bahagi ng Barangay Pantal.

 

Habang iniikot rin ang iba pang apektado ng baha sa lungsod.

 

Patuloy naman ang inspeksyon ng lokal na gobyerno at pagtukoy ng mga kalsadang dapat na maisaayos.

 

Isinasaayos na rin ang kaukulang pondo para sa flood mitigation program upang isumite at maaprubahan sa Sangguniang Panlungsod. | ifmnewsdagupan

Facebook Comments