Dapat umanong manindigan ang mga botante sa pag-iwas ng kalakaran sa pagbili ng boto sa tuwing sumasapit ang eleksyon ayon sa ilang Pangasinense.
Ayon sa ilang Pangasinense, isa ang vote buying sa iligal na kalakaran na dapat na umanong matapos upang tunay na mahanap ang pagbabago sa uri ng pamamahala at pagbibigay tuon sa mga problema ng bansa.
Iginiit ng Commission on Elections ang patuloy na paglaban sa vote buying at mahigpit na pagbabantay sa gitna ng pangangampanya ng mga kumakandidato.
Katuwang din ang hanay ng kapulisan sa seguridad at pagpapatibay ng pagbabantay sa mga concern areas sa lalawigan upang matiyak na magiging malinis at maayos ang takbo ng kampanya ng mga kumakandidato.
Patuloy naman ang hangad ng ilang botante sa malinis na pangangampanya at maayos na plataporma para sa ikauunlad ng mamamayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨