Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan muna hanggat maaari ang pagkain ng raw meat at exotic foods.
Ito ay sa gitna narin ng banta ng Novel Corona Virus.
Partikular na pinaiiwas ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko sa pagkain ng karne ng aso, pusa, daga, ahas at bayawak
Pero kung hindi makakaiwas tulad sa probinsya, kinakailangang lutong luto ang karne bago kainin.
Isa pa aniyang dapat muna ihinto ay ang pag-kain ng kilawin dahil posibleng makakuha ng sakit mula dito.
Paliwanag ni Sec Duque, maraming sakit ang nagsimula sa mga hayop na nasasalin lang sa tao o zoonotic transmission tulad ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), human immunodeficiency virus (HIV), acquired immunodeficiency syndrome (AIDS), African swine fever (ASF), at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).
At ang novel coronavirus o 2019-NCoV na nagsimula sa Wuhan China ay sinasabing dahil sa pag-kain umano ng paniki.