Manila, Philippines – Tiniyak ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na malaki ang maitutulong ng paglagda ng Record of Discussion ng proyekto sa pagitan ng Korean International Cooperation Agency o KOICA at CIDG Directorate for Logistics ng PNP upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng bansa.
Ayon kay Dela Rosa ang KOICA ay nagbigay ng tulong ng humigit kumulang pitong milyong dolyar para maipatupad ang naturang proyekto simula sa taong 2016 hanggang 2020 upang tutukan ang limang pangunahing lugar sa Metro Manila, Davao City, Cebu, Angeles at Baguio City.
Paliwanag ni Dela Rosa bukod sa tulong financial magpapadala rin ng mga expertise ang Korean Government upang tumulong sa mga technical na aspeto sa National Security ng bansa.
Giit ni Dela Rosa magtutulungan ang dalawang bansa sa pagbibigay impormasyon sa mga nagpaplano na maghasik ng kaguluhan sa Pilipinas.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558