Pag-level up ng COVID-19, kinumpirma ng DOH; patuloy na pagtaas ng kaso ng virus, ibinabala

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nag-level up pa ang COVID-19 at mas mabilis itong nakakahawa.

Ayon sa DOH, partikular na madaling mahawaan ng nagmutate na virus ang mga hindi nag-oobserba ng tamang health protocols.

Hindi na rin aniya bago ang pag-mutate ng ganitong uri ng virus.


Gayunman, nilinaw ng DOH na wala pang katibayan na mas nakakamatay ang nagmutate na virus.

Nagbabala rin ang DOH na patuloy pa ring tataas ang kaso ng COVID-19 lalo na’t marami ng mga tao ang patuloy na nakakalabas ngayon.

Bukod dito, marami rin ang nakakalimot na sa minimum health protocols.

Umapela rin ang DOH sa publiko na huwag magpaka-kampante, at sa halip ay patuloy na maging responsable.

Facebook Comments